the other day i was invited by a friend na mag drink all you can today at payag. pero d na matutuloy ang gimik mamaya...
kse may masamang nangyare dun sa nag invite sa akin. pag minamalas ka nga naman. kaya nga diba meron kasabihan na dont drink and drive diba? eh matigas ulo nya eh. kanina madaling araw nag motor sya para bumili ng yosi. nun pauwi na sya ayun nabangga nya yun padating na d masyadong katandaan na lalake na nagbibike. ayun they bumped into each others head. yun friend ko may sugat sa ulo. yun matanda sa kamalasan namatay... internal hemorrhage. masama pa dun kse walang driver's license yun friend ko and yun motor na ginamit nya eh ginamit pa nya ng walang paalam. kaya ayun andun sya nakulong.
alam mo yun parang di namin lubos maisip bat nya nagawa yun. yun bibili lang ng yosi mag momotor pa and papano nangyare na nabangga nya yun matanda. hay, cguro nga sa kalasingan yun. tsk... tsk... tsk...
nun pinuntahan namin nakakaawa talaga sya. ska yun mga kasama pa nya sa cell josme! nakakatakot. kahit meron na sya sugat sa ulo sya pa rin ang pinakagwapo sa kulungan! ahahahahah! gago eh no papatawa pa :p
sana makalaya na xa para naman d malungkot ang christmas nya... kung hinde gumawa na lang sya ng parol para maaliw sya. hehehehehe!
kaya kayo mga manginginom jan, lesson na yan sa inyo. d talaga pede yan maglalasing tas magddrive pa.